Monday, August 8, 2016

Filipino nasaliksik na kasaysayan sa wikang pambansa

 iniutos na ipagpatuloy na kilalanin ang wikang Kastila bilang opisyal na wika, hangga't ang mga kasulatan ng pamahalaan sa wikang iyon ay nananatiling hindi naisasalin. Isang bagong saligang-batas na pinagtibay noong 1987 ang nagtakda sa Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika.[3] Bukod pa rito, sa ilalim ng Saligang-Batas na ito, itinatalaga ang wikang Kastila, kasama ang wikang Arabe, bilang kusa at opsiyonal na wika.[4]May ilang libong mga hiram na salita mula sa Kastila ang nasa 170 mga katutubong wika sa Pilipinas, at naimpluwensiyahan ng alpabetong Kastila ang paraan ng pagbaybay na ginagamit sa pagsusulat ng karamihan sa mga wikang ito.[11] Ayon sa senso ng Pilipinas noong 1990, may 2,660 mga katutubong mananalita ng wikang Kastila sa Pilipinas.[12]Noong 2013, mayroon ding 3,325 mga naninirahang Kastila.[13] Gayunpaman, may 439,000 mananalita ng wikang Kastila na may katutubong kaalaman,[2] na 0.5% lamang ng kabuuang populasyon (92,337,852 noong senso ng 2010).[14] Noong 1998, may 1.8 milyong nagsasalita ng wikang Kastila kasama ang mga nagsasalita nito bilang kanilang pangalawang wika.[15]

Dagdag dito, tinatayang nasa 1,200,000 tao ang nagsasalita ng Chavacano, isang creole na batay sa wikang Kastila.[15] Noong 2010, tinaya ng Instituto Cervantes de Manila na ang bilang mga nagsasalita ng wikang Kastila sa Pilipinas ay nasa tatlong milyon, na sumasakop maging sa mga katutubo at di-katutubong nagsasalita ng Chavacano at Kastila, dahil may mga Pilipinong nakapagsasalita ng wikang Kastila at Chavacano bilang kanilang pangalawa, pangatlo, o pang-apat na wika.[16]


No comments:

Post a Comment